ay walang title?!?
anong ginagawa mo pag malungkot na malungkot ka? yun bang nasa todo emote mode ka tapos feel na feel mong umiyak?
ako? hmmm. ok sige. pag super lungkot ako, kunwari nag away kme ni kolokoy [in english:hubby], madalas hindi ko na lang sya pinapansin. walang imik-imik. pag kinakausap nya ako, deadma. parang walang naririnig, minsan with matching pakanta-kanta pa, para naman mainis din sya.
pag na ho-homesick ako. mega tingin sa pictures ng family naman ang drama ko. wala lang, minsan kakamiss lang talaga ang pinas. pero pag naman merong galing pinas at panay lang ang kwento ng hirap ng buhay sa atin, hmmmm…naiisip ko na buti na lang andito na kme.
pero yung emote mode? sasabihin ko ba? haha baka may mag react!
ay commercial muna pala….sa palagay nyo ba may kuneksyon ang blog entries ko sa dami ng tao na tumitingin ng profile ko? hmmm, la lang. kase naman nung kasiglahan ng blog ko aba umaabot ng 130 times viewed. napapaisip tuloy ako kung sino sino kaya sila. pero nung hindi ako masyadong nakapag blog, mga 85 na lang sila. aminin sa ganda na lang sila tumitingin! buwahahaha kapal ba?
ok tapos na ang commercial…
ang sagot… pag super emote ako? i email myself. tapos pag nabasa ko na tapos masama pa din loob ko or malungkot pa din, eh mega reply naman ako.
talk about wieird.
but i never denied being one. actually, am proud to be weird.
dami dami na kase ninyong normal eh.
dami nyo!!!!