ex-files revisited
sana di ito mabasa ng mga ex ko, hehe
ex files#1: itong guy na ito ang first bf ko. we only lasted a month, we were too young but he was my best buddy before we became an item.
he called me on the night of my wedding, i guess he was a bit drunk then. sobrang gulat nga ako kase after the break-up, hindi naman kme naging friends ulit, well not after 2 years.
tapos hinagilap ko sya dito sa friendster. married na din nga pala sya at may mga kids pa. i tried to add him as a friendster pero a day after i sent him a message ayun nagalhong parang bula ang account nya, hehe. ano kaya yun?
ex files#2: itong guy na ito ata ang unang serious relationship ko. 3 years older sya. we broke up kase feeling ko di nya na take ang immaturity ko. eh hello, 16 pa lang ako nun ha. anyways nakita ko din sya dito sa friendster. sent him a couple of messages and chatted that very same day. kaka aliw lang kse mabait talagay sya at kwela. married na din at merong anak, isang babae. sabi ko nga pambayad utang nya eh. tawa lang si mokong. ang misis nya nasa tate na.
ex files#3: hmmm, eto matindi. sya ang ex ko before i got married. super cool guy, super bait. ok sya sige na nga super cute na din. ngayon di na kme masyadong nag eemail at nag cha chat. bawal kase haha. magagalit kaya ang asawa ko. pero nung huli kming nag usap, nalungkot talaga ako. kase na kwento nya sa akin na nahuli daw sya ng misis nya na may kasama sa bed…o di ba ang sakit nun. inis nga ako sa kanya eh, kase pano pa nya nagawa yun eh may anak na din sila. kawawa naman yung misis nya, kung kaharap ko lang yung naku, i swear nakutusan ko na yun ng sampu.
halos lahat sila married na. buti na lang married na din ako, hahaha. halos lahat din sila may mga anak na, kme na lang ni hubby ang wala pa. well, ok lang, no rush in that department.
kakatuwa lang kase at least kahit papano friends pa din kme. well ewan ko lang kay ex number 1 ha, kse hehehe baka nag selos misis nya. haha kapal ko ba, para namang dapat akong pagselosan. wala yun, friends na lang naman di ba?
katuwa talaga tong fwenster.