time wasted

1.Kumain ka ba ng umagahan ngayong araw na ‘to?
~~ i never eat breakfast.  we never do.  baket? weeeeell una, we don’t have time to eat nor prepare breakfast. sa totoo lang, i’d rather sleep for 5 more minutes than eat. 

2.Kung oo, anung kinain mo?
~~ eh hindi nga eh.

3.Anung oras ka natulog kagabi?
~~ kagabi… hmn, teka ha aalalahanin ko.  late na kse umuwi dahil umattend ako ng meeting sa isang hotel kasama ang aking asawa.  baket sya kasama? kse sya ang nagmaneho.  naka uwi kme siguro mga10:30 na. eh nanood pa kme ng tv. tapos nag internet pa ako habang naglalaro ang asawa ko ng dragon ball z. ahh alala ko na. 1 am ako natulog at di ko alam kung anong oras natulog si bate.

4.Anung pinapanood mo pag gabi?
~~madalas reality shows.  naku adik kaya kame sa reality tv.  pag mondays, wala masyado kase usually lumalabas kme dahil late na.  noon pag modays trip na trip ko ang everybody loves raymond.  pag tuesdays naman charmed, minsan mismatch.  pag wednesdays, hmmm teka di ko maalala eh.  thursdays naku yan, masaya kme pag thursday kase dami daming reality shows. merong apprentice, simple life, gotti, dami nila. aliw. ay isa pa pala. yung big brother thailand, ewan ko ba aliw na aliw ako di ko naman naiintindihan!

5.Nagkasakit ka ba lately? kung oo, anung
naging
sakit mo?
~~oo 3 days na nga akong di pumapasok eh, sakit ko? sayad sa ulo, huk huk huk. galing ko no hanggang ngayon di pa ako sisante. ikaw na, manager buwahahaha!

6.Anong unit ng cp mo?
~~N3650

7.Nakapag-swimming ka na ba ngaun
summer?
~~ naku hindi pa.

8.i-Describe mo summer mo in one word.
~~ super-busy. lech! [one word lang yan ha nilagyan ko naman ng hyphen eh]

9.Pasaway ka ba?
~~ sinabi mo pa.  super tigas ng ulo ko pati si bate suko sa akin, pag ayoko eh ayoko. hehehe pero minsan konting lambing lang ok na ako. haha anlabo men. apir!

10.Anu ang pinakamasama mong bagay na nagawa?
~~ too many to mention. ginaya ko lang ang sagot ni randell dito. dont want to go into details, pero sa totoo lang, i can be your worst nightmare!

11.Sawa ka na ba sa friendster?
~~ minsan…

12.May load ka ba?
~~ wala eh

13.Kelan ka huling naggala?
~~ hmmm di ko na ata maalala. siguro nung huling punta namin ni bate sa bangkok.  mga two or three weeks ago.

14.Sinong mas ok sayo, FREND mo 0r BF mo?
~~ haha hoy mag spell check ka nga muna!

15.Dancing, acting or singing?
~~ acting. maarte ako eh. heheh pero totoo ha. president ako ng teatro sanggalaw sa canossa. o di ba, bongga!

16.Anung mas gusto mo, maging artista ka sa tv o theater actress/actor
~~ love ko ang theater

17.Ano pinakagusto mong kanta ?
~~ sa ngayon ang LSS ko ay: cause im the only one who’d walk across the fire for you.  pero di naman LSS ang tanong mo di ga? so sige sasagutin ko na: pero teka di lang isa e, pwede dalawa.  yung grow old with you saka yung on the side of angels, hay maalala ko pala. two BALEYMTAYMS ago, attend kme ng party ni hubby, at sumali kme sa couples’ game. yun bang tatanong tapos dapat pareho sagot nyo. leche natalo kami dahil sa kanta na linchak na kantang yan. tinanong daw ba kung ano ang theme song namin. sagot ko on the side of angels sagot naman ni allan grow old with you.  eh dapat nga may score kme kase totoo naman eh 2 talaga yun noh! hmp! talo kme, kainis! ha ha apektado ba?

18.E ng maroon 5?
~~ She Will Be Loved achaka This Love, yun lang kse ang alam ko eh ha ha

19.Sa tingin mo, bagay b c Christian & Arlene ?
~~ sino sila, sorry di ko sila kilala. eh ikaw sa palagay mo ba bagay si tom cruise at katie holmes. o sige nga sagutin mo nga yang tanong ko!

20.Sino ang pinakamakulit mong kachat?
~~ si mika. ha ha sa totoo lang pareho kming makulit nyan. B.M [before mika] eh si toni. as in every night puro kamunduhan at kabalahuraan ang pinag uusapan namin.  kala na nga ng asawa ko may ka cyber sex ako kse kung ano ano na lang nakasulat sa window namin eh. buwahahaha, ***tonya miss na kita. ano ka ba asan ka na. ano ayaw mo ba ng chika? hindi ko i eemail sayo, manigas ka!  wuvyu!

21.cute 0r Pa cute ?
~~ ano to?

22.Anung plano mo para sa araw na ‘to?
~~ eh ano pa nga ba eh di meeting na naman, mamayang 10 am. sama ka?

23.Anung pc game ang nilalaro mo?
~~ ay naku mabibisto ang ka corny-han ko, FREE CELL saka puzzle word

24.Anung mas gusto mong ugali, Makulit o mayabang?
~~ dun na ako sa makulit, kase makulit din ako eh.pag mayabang sarap lang layasan eh!

25.Anung gamit ang madalas mong nawawala?
~~ susi at wallet pero usually naman sa bahay lng sya nawawala. tulad kanina late si bate kase di namin mahanap yung susi ng gate namin. yun naman pala sana garahe.sus ko. asawa ko tlaga!

26. Anong Fratt ang pinasukan mo noon ?
~~ wala noh

27.Frappe o latte?
~~ frappe

28.Acoustic o pop?
~~ acoustic and pop

29.Nagugutom ka ba?
~~ sino bang hindi?

30.Bye na?
~~ hay salamat

+++++++++++++++++++++++
1.do you drink?
> o akala ko ga bye na? ok sige ang sagot. oo naman no.

2.when was the last tym u drink?
> kanina lang

3.umiinom ka ba ng gin?
> dati pero ngayon hindi na. totoo. 5 years na ata. wala kase nun dito eh.

4.have you drank vodka?
> absolut-li

5.san ka natutong uminom?
> hmmm sa mga bakla. hi jo, hi sonya

6.nalasing ka na ba?
> dati oo, lasinggera ako. pumapasok nga ako ng uste ng lasing eh…buti na lang kapitbahay ko si manong guard kaya lusot palagi.

7.napapakanta ka ba habang lasing?
> nye. hindi

8.favorite song mo pag nalalasing ka?
> hindi nga nakanta eh,kakulit mo ga!

9.nainluv ka na ba sa isang kainuman?
> smirk

10.nagsuka ka na ba sa inuman?
> hindi pa, promise talaga.


11.tamang age para pwde nang uminom?
> pag kaya mo nang bumili ng sarili mong inumin.

12. fave drink?
> h2o [ karen, isa kang sinungaling!!!!!!!!!!]

13.chaser ng empi??
> ay hindi ako umiinom nyan!

14.umuwi ka na bang gumagapang dahil sa kalasingan?
> hindi pa, meron naman akong taga akay eh, baket ako gagapang?

15. sino ang madalas naghahatid sayo pag lasing ka na?
>eh ako nga ang taga hatid eh.

16. ano yung craziest thing na ginawa mo nung lasing ka?
> mang bato ng bahay ni BF ko kase ayaw nyang gumising eh 2 am na! ginising ko sya.

17. may nakahalikan ka na ba nung lasing ka?
> pota. wag ganyan. sikret yan eh.

18. last question….lashing ka ba?
> hindi na nga ako umiinom ng beer eh, daming beer dito sa bahay namin nakatambak lang since april pa. gusto mo ga? iyo na!

Leave a Reply